Iginiit ng kampo ni Vice President Leni Robredo na ang paninisi ng Duterte Administration sa nakaraang administrasyon ay walang merito dahil ang arbitral ruling ay iginawad sa panahon ni Pangulong Duterte.
Matatandaang napanalunan ng Pilipinas ang arbitral ruling sa The Hague noong July 2016 kasabay ng pag-upo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pwesto.
Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, sinabi ni Vice Presidential Spokesperson Atty. Barry Gutierrez, hindi sagot sa sigalot sa West Philippine Sea ang patuloy na paninisi sa Aquino Administration.
Lumalabas lamang aniya na mahina ang paninindigan ng kasalukuyang administrasyon labna sa panghihimasok ng mga barko ng China sa West Philippine Sea.
Ang European Union at Estados Unidos ay ginagamit ang arbitral ruling para ipinagawan sa China na ihinto ang mga aktibidad nito sa naturang karagatan.