Manila, Philippines – Hindi matantya ni Senator Cynthia Villar kung perfect time na ba ang gaganaping Association of Southeast Asian Nation o asean summit para kausapin ang china ukol sa pag aangkin nito sa West Philippine Sea.
Sabi ni Villar, hindi niya batid kung ano ang hakbang ng Pilipinas sa gaganapin ASEAN summite ukol sa isyu ng territorial dispute.
Pero diin senator villar, kung tatalakayin ang isyu ng agawan ng teritoryo ay dapat maging handa rin tayo sa magiging posisyon ng China.
Ipinaliwanag ni Villar, na hindi maiaalis ang realidad na hindi natin maaring makontrol ang lahat kasama ang China.
Inihalimbawa ni Villar ang hindi rin makontrol o mapahintong pagbabanta ng North Korea na magpapakawala ng nuclear missile.
Facebook Comments