IT-based modernization ng PNP at BFP, itinutulak ng isang kongresista

Isusulong ni Deputy Majority Floor Leader at Pampanga Representative Juan Miguel Macapagal-Arroyo ang Information-Technology o IT-based modernization sa Philippine National Police (PNP) at Bureau of Fire Protection (BFP).

Ayon kay Arroyo, ang kaniyang itinutulak ay kahalintulad sa 911 crime at emergency response ng Estados Unidos.

Ang IT-based modernization sa PNP at BFP ay aayon naman sa bagong batas na Anti-Terrorism Law at makatutulong para maiangat ang antas sa mabilis na pagtugon sa mga krimen at emergency.


Giit ng kongresista, mahalaga na magkaroon ng mapagkakatiwalaang IT system ang crime enforcement ng bansa na magbibigay ng mga mahahalagang impormasyon para tulungan ang mga otoridad, mga ahensya ng gobyerno, at commercial private sector businesses na tugisin ang mga hinihinalang kriminal, terorista at iba pang iligal na gawain.

Para naman sa emergency response, sa oras na may humingi ng tulong ay agad na makikita ng dispatcher o operator ang mga mahahalagang impormasyon tulad ng operating assets ng isang indibidwal.

Facebook Comments