IT provider ng LTO na ginamit din sa Indonesia, ibinasura na ng Indonesian government

Ipinaabot sa pamahalaan ng Pilipinas ni Indonesian Ambassador to the Philippines Agus Widjojo na sinipa na rin ng Indonesia ang serbisyo ng IT provider ng Land Transportation Office (LTO).

Ayon kay Ambassador Widjojo, nabigo ang Dermalog na maibigay ang requirements na hinihingi ng Indonesian government, partikular ang hinggil sa paglalabas nito ng ID system sa National Police Criminal Investigation Agency (NPCIA), para sa Indonesia Automatic Fingerprint Identification System (INAFIS) mula 2005 – 2012.

Nabatid na nagkaroon din ng problema ang nasabing LTO contractor sa pagbibigay ng serbisyo sa Haiti at Angola.


Iginiit naman ni Ariel Lim, Pangulo ng National Public Transport Coalition (NPTC) na matapos ang 14 extensions at mahigit na dalawang taong delay, hindi pa rin nabubuo ng German contractor Dermalog ang integrated system para sa LTO na siyang nakakaapekto sa pagproseso ng driver’s license at renewal ng rehistro ng mga sasakyan.

Nakabayad na rin aniya ang LTO ng 80% ng ₱3.4 billion para sa nasabing kontrata.

Facebook Comments