IT STUDENT, LUMIKHA NG SARILING APP SA ISU-ILAGAN

CAUAYAN CITY – Gumawa ng sariling app ang isang graduating Information Technology student mula sa Isabela State University – Ilagan Campus.

Siya ay si Judy Jay Pascua at nilikha nito ang Leavewise program na isang automated system na ipapatupad sa Human Resource Management Office (HRMO) ng kampus.

Layunin nitong tulungan ang HRMO, pati na rin ang mga guro at iba pang empleyado na mas mapadali at organisadong masubaybayan ang kanilang Leave Credits, Vacation Leave, at Sick Leave balances.

Isa sa mga pangunahing tampok ng app na ito ay ang online filing ng leave of absence na nagbibigay ng mas mabilis at maginhawang proseso para sa mga empleyado ng unibersidad.

Bukod dito, naglalaman din ito ng iba pang modernong features na tumutugon sa mga pangangailangan ng HR operations.

Ang programang ito ay bahagi ng Capstone Project ni Pascua na isang graduation requirement para sa mga IT students sa ISU.

Facebook Comments