Iginiit ni Senator Sonny Angara ang kahalagahan na ma-upgrade sa lalong madaling panahon ang Information Technology o IT System ng PhilHealth.
Ayon kay Angara, ito ay para ma-digitize ang lahat ng records ng PhilHealth at agad ma-validate ang lahat ng claims dito katulad ng sistemang ginagamit sa pension funds ng Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS).
Binigyang-diin ni Angara na sa pamamagitan ng pinahusay na IT System ay mailalatag ang epektibong mekanismo para labanan ang katiwalian sa PhilHealth.
Nauna nang iminungkahi ni Angara na isailalim sa special audit ang PhilHealth funds.
Bahagi rin ng suhestyon ni Angara na palakasin ang manpower ng PhilHealth sa pamamagitan ng paghire ng dagdag na medical reviewers, anti-fraud officers, data scientists, data analytics personnel, at mga eksperto sa artificial intelligence at big data.