Mindanao – Humirit ang isang kongresista na taasan ang alokasyon ng pondo
sa Mindanao.
Ayon kay House Committee On Mindanao Affairs Chairman Maximo Rodriguez,
hiling nilang maitaas sa 20% ang taunang pambansang pondo ng Mindanao.
Ang hiling na dagdag budget ay dahil na rin sa 16.2% ng budget na inilaan
sa Mindanao ngayong 2018 at 12.8% lamang na average share nito mula 2014
hanggang 2017.
Giit ni Rodriguez, maraming kagawaran ng gobyerno ang kapos ang alokasyon
para sa rehiyon at hindi kayang tugunan ang pangangailangan ng mga
residente doon.
Ang ilang lalawigan sa Mindanao ay aabot sa 40% ang poverty incidence at
patuloy din ang paglago ng populasyon.
Para maisulong ang pagtaas sa pondo ng Mindanao, bumuo ng walong Technical
Working Group ang House Committee on Mindanao Affairs na makikipag-usap sa
mga tanggapan ng National government.