Italian gov’t projects, bubuhos sa Maguindanao!

Marami pang proyekto ang ibubuhos para sa mga AGRARIAN REFORM Beneficiaries organizations sa lalawigan ng Maguindanao mula sa Italian government sa pamamagitan ng Department of Agrarian Reform (DAR).
Ito ang sinabi ni DAR Usec. for Foreign Assisted and Special Projects Sylvia Mallari sa isinagawang turn-over ceremony ng mahigit P7M na Potable Water System Level II-Hydraulic Ram Pump sa bayan ng Datu Saudi, Ampatuan.
Ayon kay Usec. Mallari, maliban sa nabanggit, mayroon pang farm to market roads at water impounding system para sa Maguindanao.
10 munisipyo sa Maguindanao ang benipsyaryo ng Italian projects.
Ipinatutupad sa 4 na mga lalawigan sa Mindanao ang Italian projects.
Ito ay sa Maguindanao, Lanao del Sur, Sultan Kudarat at Saranggani na may kabuuang halaga na P1.4B.

Facebook Comments