Italy, nalampasan na ang bilang ng mga nasawi sa China dahil sa COVID-19

Nahigitan na ng Italya ang China pagdating sa bilang ng nasawi dahil sa Coronavirus Disease (COVID-19).

Sa buong mundo ngayon ay aabot na sa 228,000 ang kumpirmadong kaso ng virus habang 9,200 dito ang nasawi.

Habang sa bilang ng nasawi ay nasa 3,405 na katao ang naitala sa Italya lamang.


Samantala, sa kauna-unahang pagkakataon ay walang naitala kahapon na bagong kaso ng nagpositibo sa COVID-19 sa China na pinagmulan ng virus outbreak.

Facebook Comments