ITATAAS | Dagdag na death insurance benefits para sa mga namatay na pasahero sa vehicular accident, inaprubahan na – LTFRB

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Martin Delgra aprubado na ang panukalang itaas ang death insurance benefits para sa mga pasahero ng passenger utility vehicles na namatay sa vehicular accidents.

Kasunod ito ng paggiit ng Lawyers for Commuters Safety na dapat ipatupad na ang increase sa benepisyo na ibinibigay sa mga namatayang pamilya.

Sa ngayon, ikinakasa na ng LTFRB at mga accredited insurance firms ang joint circular para maipatupad na ang increase sa death benefits at iba pang bayarin.


Ani Delgra, ang kasalukuyang 200 libong death insurance benefits na ibinibigay sa namatay na pasahero ay magiging doble na habang ang 20 libong medical insurance para sa mga injured victims ay tataas ng hanggang 100 libong piso.

Bukod pa ang karagdagang 100 libong burial assistance na ibibigay sa pamilya ng pasaherong namatay.

Facebook Comments