ITATAKDA | SRP sa mga agricultural products, ilalabas ng DA sa susunod na linggo

Manila, Philippines – Magtatakda na sa susunod na linggo ng Suggested Retail Price (SRP) ang Department of Agriculture (DA) sa mga produktong pang-agrikultura.

Ito ay kasunod ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin gaya ng bigas, gulay, karne at isda.

Ayon kay DA Secretary Manny Piñol, walang dahilan para tumaas ang presyo ng pangunahing bilihin.


Aniya, ginagamit na lang dahilan ng mga middleman ang excise tax na ipinataw sa gasolina at diesel para pangdagdag sa kanilang kita.

Sabi pa ni Piñol, kung may SRP ay maiiwasan ang profiting ng mga trader.

Paglilinaw ng DA, dedepende ang SRP sa mga rehiyon sa sitwasyon ng produksyon.

Facebook Comments