ITATALAGA | Efren Peñaflorida Jr., susunod na chairman ng PCUP?

Manila, Philippines – Balak italaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Efren PeƱaflorida Jr. bilang bagong pinuno ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP).

Si PeƱaflorida ay kinilala ng CNN noong 2009 para sa kanyang Pushcart Classroom na kariton klasroom para sa out-of-school youth.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nais ng Pangulo na galing sa hirap ang magiging bagong chairman ng komisyon.


Matatandaang sinibak sa pwesto si dating PCUP Chair Terry Ridon dahil sa mga kwestyonableng biyahe nito sa labas ng bansa.

Facebook Comments