Itatalaga na nationwide ang mga babaeng “hijab troopers” ng Armed Forces of the Philippines (AFP), matapos ang kanilang matagumpay na partisipasyon sa giyera sa Marawi City.
Ayon kay Colonel Romeo Brawner Jr., chief ng Civil Military Operations (CMO) Regimen, ang mga babaeng sundalo ay unang ide-deploy sa mga muslim communities sa National Capital Region (NCR), partikular sa Camanava at Maharlika Village.
Layunin nitong bigyan ng psychosocial services ang mga residente ng naturang mga komunidad.
Hinamon ni Brawner ang mga hijab troopers na sumama sa isang kompanya sa CMO regimen, para maipagpatuloy ang kanilang pagtulong sa mga internally displaced persons at makatulong sa peacebuilding efforts ng pamahalaan.
Ang unang 50 “hijab troopers” ay ginawaran ng military merit medal ni Philippine Army Commanding General Macairog Alberto noong Lunes dahil sa kanilang naging papel sa pagkalinga sa mga babae at kabataang biktima ng karahasan sa Marawi.
<#m_-5044414211387365741_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>