ITATAMPOK | DOT, palalaguin ang sektor ng Farm Tourism

Manila, Philippines – Itatampok ng Department of Tourism ang mga produkto ng mga magsasaka, lokal na mga pagkain at mga tourist destinations sa ikalawang Philippine Harvest food and travel expo na gaganapin ngayong weekend. (Aug 24-26)

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo Puyat, layon ng tatlong araw na food expo na ito na suportahan ang farm tourism upang maging matatag itong pinagkukunan ng kabuhayan ng mga Pilipino.

Ayon pa sa kalihim, ito rin ay bilang bahagi ng implementasyon ng Farm Tourism Development Act of 2016, na naglalayong paunlarin ang mga probinsya sa bansa.


Ilan sa mga probinsyang ibibida ang kanilang produkto ay ang Mountain Province, Isabela, Nueva Vizcaya, Tarlac, Camarines Sur at Cotabato.

Facebook Comments