Manila, Philippines – Pinangunahan ni Special Assistant to the President Secretary Bong Go at Presidential Communications Secretary Martin Andanar ang ground breaking ceremony sa itatayong Mindanao Media Hub sa Davao City.
Ang Media hub ay maryoong full broadcast Facilities na magsisilbing main broadcast hub ng Gobyerno sa Region 10, 11, 12, at 13 kasama na ang Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Sa talumpati ni Secretary Go, ang Mindanao Media Hub ay patunay lamang na ginagawa ng pamahalaan ang lahat para mailapit sa publiko ang lahat ng programa at proyekto ng Pamahalaan.
Sinabi ni Go na ang Mindanao Media hub na mayroong 700 million pesos na budget at mayroong state of the art facilities at studios na maaaring magamit ng Region 10, 11, 12 at 13.
Binigyang diin pa ni Go na sa pagpapalakas ng mga Government owned television network ay magkakaroon na ng buo at tamang impormasyon na nararapat na maibigay sa mga taga Mindanao.
ITATAYO | Mindanao Media Hub, isang patunay na patuloy ang mga ginagawang hakbang ng gobyerno para sa makapagbigay ng mas magandang serbisyo publiko
Facebook Comments