ITATAYO | TESDA magkakaroon ng world class training center sa susunod na taon

Itatayo sa Mindanao simula sa susunod na taon ang 2 world-class training centers ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Ayon sa TESDA ang Region 12 na sakop ang South Cotabato, Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani at General Santos City ang may pinakakaunting training center sa ngayon.

Kung kaya at nais nilang madagdagan ito ng 2 sa susunod na taon.


Sinabi naman ni TESDA-12 Director Rafael Abrogar na malaking tulong ang dalawang itatayong training centers dahil malaki ang potensyal ng Region 12.

Makakatulong din ito upang mabigyan ng trabaho ang mga taga Mindanao upang maiangat ang mga ito sa kahirapan.

Tantay ni Abrogar nasa 20,000 estudyante ang makikinabang kapag natapos na ang dalawang nabanggit na training centers.

Samantala, sinabi din nitong maging si Senador Manny Pacquiao ang nangako na magbibigay ng tulong pinansyal para sa konstruksyon ng mga training centers.

Facebook Comments