ITATAYONG GOVERNMENT CENTER SA PANGASINAN, PINAPLANO SA TULONG NG 3-DAY WORKSHOP

Sa isasagawang 3-day workshop ay makatutulong ito sa planong pagpapatayo ng Government Center sa Capitol Complex dito sa Lingayen, Pangasinan.
Ang nalalapit na pagpapatayo ng naturang pasilidad ay para mas maiangat ang antas ng kalidad ng public service pati na rin matugunan ang kapakanan ng mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan.
Ang lokal na pamahalaan nito ay nakatutok rin sa pagpapabuti at pagpapagaan ng buhay ng kanilang mga empleyado at pagsapit ng buwan ng Hunyo, pagtutuunan ng pansin ang budget ng bawat departamento.

Kaya naman hinikayat ng gobernador ang bawat kinauukulang opisyal sa pagtutok sa Annual Investment Program ng lalawigan sa taong 2024.
Samantala, pinuri naman ang PG-ENRO at Office of Provincial Treasurer dahil sa pagtaas sa koleksyon ng mga ito sa quarry operations. |ifmnews
Facebook Comments