Itatayong New Cebu International Container Port, makakatulong na mapababa ang presyo ng bilihin –PBBM

Magsisilbing solusyon sa port congestion ang New Cebu International Container Port.

Ito’y matapos lagdaan ang mga kasunduan para sa limang malalaking proyekto sa transportasyon sa Visayas at Mindanao.

Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang container port na isang modernong pasilidad na nagkakahalaga ng ₱17 billion ay magbibigay ng mas malawak na espasyo para sa port activities, magpapababa ng presyo ng mga bilihin, at lilikha ng libu-libong trabaho para sa mga Cebuano.


Sinabi ng Chief Executive na isang hakbang ito patungo sa mas maayos na daloy ng kalakalan sa rehiyon na nagsisilbing pundasyon para sa mas mabilis na progreso.

Samantala, ibinida rin ng Presidente na aarangkada ang ₱28 bilyong Cebu Bus Rapid Transit (BRT) project upang tugunan ang tumitinding trapiko sa Cebu City.

Para kay Pangulong Marcos, ito ay simbolo ng pagtugon sa hamon ng urbanisasyon dahil magiging mas komportable at episyente na aniya ang pagbiyahe ng ating mga kababayan sa naturang lugar.

Facebook Comments