Itbayat, Batanes muling nakaranas ng aftershock

 

Muli na namang naramdaman ng may kalakasang aftershock   Itbayat, Batanes.

 

Base sa ulat ng Phil Institute of Volcanology and Siesmology, dakong alas 3:20 ng madaling araw ng yanigin ng may lakas na magnitude 4 earthquake ang lalawigan habang nasa kahimbingan ng tulog ang mga residente.

 

Natunton ang sentro ng lindol sa layong may 14  a kilometro sa Silangang bahagi ng Itbayat at may lalim na 17 kilometro.


 

Naramdaman ang intensity 4 sa nabanggit na lalawigan pero wala namang ulat na nagkaroon ng pinsala sa lugar.

 

Dagdag pa ng Phivolcs, ang pagyanig ay bahagi pa rin ng malakas ng lindol noong July 27.

 

Bago ito, niyanig din ng magnitude 4 na lindol ang bayan ng Governor Generoso sa Davao Oriental bandang alas 12:39 kaninang madaling araw.

Facebook Comments