Makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ito ay dahil sa pag-iral ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) at localized thunderstorm na nakaaapekto ngayon sa Palawan at Mindanao.
Dahil dito, nagpaalala rin ang PAGASA na maging alerto sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.
Sumikat ang araw kaninang 6:03 ng umaga at lulubog mamayang 5:24 ng hapon.
Facebook Comments