ITCZ, magpapaulan sa Eastern Visayas, Caraga, at Davao Region

Makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog pagkidlat ang Easter Visayas, Caraga, at Davao Region ngayong araw.

Ito ay dahil sa pag-iral ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) na kasalukuyang nakaaapekto sa Mindanao.

Kaugnay nito, nagbabala ang PAGASA ng posibleng pagbaha at pagguho ng lupa kapag may kalakasan ang mga pag-ulan.


Samantala, magiging bahagyang maulap hanggang sa maulap ang kalangitan sa National Capital Region at nalalabing bahagi ng bansa.

Makararanas din ng isolated rain shower dahil naman sa easterlies at localized thunderstorm.

Possible ring magkaroon ng malalakas na pagkulog, pagbaha at landslide.

Facebook Comments