Intertropical Convergence Zone ang makaaapekto sa southern Mindanao ngayong araw.
Habang makararanas din ng isolated rain showers o thunderstorms ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa dahil sa ITCZ at localized thuderstorms.
Posible ang pagbaha at pagguho ng lupa tuwing mayroong severe thunderstorms.
Samantala, maglalaro sa 38 hanggang 40 degrees celsius ang aasahang heat index o damang init sa Metro Manila.
Pinakamataas naman ang heat index sa Butuan City, Agusan del Norte na inaasahang aabot sa 45 degrees celsius.
Sumikat ang araw kaninang 5:29 at lulubog mamayang 6:16 ng gabi.
Facebook Comments