Itim na oso, binaril ng awtoridad dahil kinagigiliwan ng mga tao

Image via The Oregonian on Twitter

Isang batang oso sa Oregon ang binaril ng awtoridad dahil umano’y nasasanay na sa mga taong nagbibigay ng pagkain sa kaniya.

Madalas bumibisita ang mga tao sa isang parke na malapit sa lawa ng Hagg, upang bigyan ng pagkain ang dalawa hanggang tatlong taong gulang na oso at makipag-selfie rito.


Nababahala ang awtoridad na masyado na itong nakikisalamuha sa mga tao at maging threat sa kaligtasan ng publiko.

Dapat ay lumipat na ito ng ibang lugar kung hindi ito nasanay sa maraming tao na nagpapakain dito.

Nakatanggap ng tawag ang awtoridad na na maraming tao na ang kumukuha ng larawan kasama ang oso nitong Hunyo.

Sinabi rin ng awtoridad na bawal magkalat ng pagkain sa Oregon grounds dahil makakapagdulot ito ng sakit sa iba pang hayop na nasa parke.

May isang netizen na nagkomento na nasanay ang oso dahil siguro hindi ito makahanap ng sariling pagkain kaya pabalik-balik na lamang sa mga taong nagpapakain sa kaniya.

Sinabi niya ring nakakalungkot ang kinahatnan ng oso dahil kasalanan ito umano ng mga tao na nagpapakain.

May mga nagsabi ring dapat ay inilagay na lamang siya sa santuwaryo kaysa patayin.

 

Facebook Comments