
“Papunta na sa kulay puti”
Ganito inilarawan ng Malacañang ang kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kasunod ng inilabas na campaign advertisement nina Sen. Imee Marcos at Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, bagama’t hindi aniya perpektong puti pero unti-unti nang nagkakaroon ng liwanag ang kinabukasan ng mga Pilipino kung ikukumpara sa panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa political ads ni Sen. Imee, ipinapakita na kulay itim na ang estado ng bansa dahil sa laganap na gutom at krimen.
Bwelta ni Castro, mas angkop na halimbawa sa kulay itim ang estado ng bansa noong panahon ni dating Pangulong Duterte.
Batay kasi aniya sa mga datos, mas talamak ang mga naranasang kagutuman noon at mga krimen na resulta ng extra judicial killings.