ITINAAS | Bicol PNP, inilagay sa Full Alert Status

Bicol – Itinaas na sa Full Alert Status ang Police Regional Office 5 o Bicol PNP dahil sa sunud – sunod na pag-atake ng mga NPA o New People’s Army.

Sinabi ni Police Regional Office 5 Director C/Supt. Arnel Escobal, Isa ang himpilan ng Pulisya, Isang Kampo ng CAFGU Active Auxillary ng Philippine Army at Dalawa namang Mobile Force Company ang inatake ng mga rebelde dakong alas onse kagabi.

Partikular ito sa Magellanes Municipal Police Station, Provincial Mobile Force Company sa Sorsogon at Regional Mobile Force Batallion sa Bula, Camarines Sur.


Sa kasalukuyan, nakakalat na ang isang Kumpaniya ng SAF o Special Action Force para tugisin ang mga Rebeldeng nasa likod ng pag-atake at para na rin maagapan ang posibleng pagsalakay pa ng mga ito.

Facebook Comments