Itinakdang maximum retail price sa imported na bigas, pinuna sa pagdinig ng Kamara

Iginiit ni ACT Teachers Party-list Rep. France Castro na hindi solusyon sa mataas na presyo ng bigas ang pagtatakda ng 58 pesos na maximum suggested retail price o SRP sa imported na bigas na planong ipatupad sa January 20.

Sa pagdinig ng House Murang Pagkain Super Committee ay ibinabala pa ni Castro na maari itong magresulta sa pag-abuso dahil pwedeng itaas sa naturang presyo ang bigas na nabili sa mas murang halaga.

Sang-ayon din si Committee Chairman at Albay 2nd District Rep. Joey Salceda na mataas nga ang 58 pesos na maximum SRP sa imported na bigas.


Paliwang naman ni Department of Agriculture Usec. Asis Perez, dahil may maximum SRP ay inaasahang wala nang bigas na mas hihigit pa dito ang presyo na magreresulta sa tuluyang pagbaba ng presyo ng bigas sa bansa.

Facebook Comments