Naniniwala ang ilang mga tindera ng bigas na hindi kakayanin ang kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ₱41.00 kada kilo ng bigas habang ang mandated price cap para sa well-milled rice ay ₱45.00 kada kilo.
Ayon sa ilang tindera ng bigas, naniniwala sila na hindi bababa ang presyo ng bigas ngayon na ang pinakamura ay ₱53 ang kada kilo ang ibang palengke ay ₱55 kada kilo kahit na mag-anihan ngayong Setyembre kung mananatiling mataas pa rin ang production cost.
Paliwanag nila, ang gastusin umano sa mga farm input ang pangunahing dahilan sa pagtaas ng farmgate price ng palay.
Una rito ay inaprubahan ni Pangulong Marcos ang rekomendasyon na magpataw ng price ceiling sa bigas sa buong bansa para matiyak ang rasonableng presyo at accessible na pagkain sa mga Pilipino sa harap ng nakakaalarmang pagtaas sa retail prices nito sa mga palengke.
Dagdag pa nila na hindi kakayanin ang ₱41 kada kilo ng bigas dahil sa malulugi sila, mapipilitang magsara at humanap ng ibang pagkakakitaan o negosyo.