Bigo ang Department of Health (DOH) na maabot ang mga itinakda nitong target para sa dalawang linggong pagpapatupad ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila.
Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN, sinabi ni Vice President Leni Robredo na hindi na-achieve ng DOH ang ilan sa mga target nitong magawa sa panahon ng MECQ.
Kabilang dito ang target na:
Maisailalim sa symptom check ang 100% ng mga household
Pagsasailalim sa swab test ang 100% ng mga may sintomas, relevant history at nagkaroon ng contact sa COVID-19 patients
Hindi pagsasailalim sa home quarantine ng mga suspect, probable at confirmed cases maging ang kanilang nakasalamuha
Pagtukoy sa at least 37 contacts per confirmed cases
100% requiring admission or isolation successfully referred
100% of admitted patients have zero out of pocket
100% of clusters identified contained and isolated
Bukod dito, wala ring nakikitang report ang Bise Presidente hinggil sa mungkahing hindi na gagamit ng rapid test.
Ayon kay Robredo, nais niyang malaman kung ilang porsyento lang ang naabot ng ahensya mula sa mga itinalaga nitong target.
Umaasa siya na gagamitin ng pamahalaan ang presscon bukas para maglabas ng ulat ukol dito.
“ang nakalagay dito, number 2 na target, 100% of households dapat nag-undergo na ng symptom check. Ako, duda ako na 100% nga kasi parang ang ginawa lang nag-pilot, pero hindi pa siya pangmalawakan. Gusto nating makita, anong percent ba ‘yung na-achieve tsaka bakit hindi nag-100 percent. Sana sa presscon bukas, merong report na ganito,” ani Robredo.