ITINALAGA | Appointment papers nila dating PNP Chief Dela Rosa at dating AFP Chief Guerrero inilabas na ng Malacañang

79

Manila, Philippines – Pormal nang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte sina dating Philippine National Police Chief Director General Ronald Bato Dela Rosa at dating Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Rey Leonardo Guerrero sa kanikanilang mga bagong posisyon sa gobyerno.

Inilabas na kasi ng Malacañang ang Appointment Papers nila Dela Rosa at Guerrerro.

Tulad ng una ang sinabi ni Pangulong Duterte ay pormal nang manunungkulang si Dela Rosa bilang Director General ng Bureau of Corrections sa ilalim ng Department of Justice habang si Guerrero naman ay uupo na bilang Administrator ng Maritime Industry Authority o MARINA na nasa ilalim namang ng Department of Transportation.

Nilagdaan ang appointment papers ni Dela Rosa noong April 30 habang si Guerrero naman ay nalagdaan noong April 26 at matatapos ang termino ni Guerrero sa 2022

Facebook Comments