ITINALAGA | Atty. Emilio Aquino, itinalaga ni Pangulong Duterte bilang bagong chairman ng SEC

Manila, Philippines – Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si bilang bagong chairman ng Securities and Exchange Commission (SEC) si Atty. Emilio B. Aquino.

Pinalitan ni Aquino si Outgoing Chairperson Tererita Herbosa na nagtapos sa kanyang seven-year term bilang pinuno ng SEC.

Si Aquino ay isa ring certified public accountant at tubong Mindanao tulad ng Pangulo.


Nagtapos siya ng Bachelor of Science Degree in Commerce Major in Accounting at valedictorian sa kanyang klase sa Universidad de Zamboanga noong 1984.

Habang natapos niya ang kanyang law studies sa San Beda College at naging 16th placer sa Bar exams noong 1992.

Mayroon rin siyang Master’s Degree in Public Management sa Development Academy of the Philippines.

Facebook Comments