Manila, Philippines – Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si retired military official Yusop Jimlani bilang bagong Presidential Adviser on Local Extremist Groups Concerns.
Ang appointment ni Jimlani ay kasunod ng pagbuo ng Pangulo ng bagong task force na layong tapusin ang armed conflict na kinasasangkutan ng mga rebeldeng komunista sa bansa.
Ang Pangulong Duterte ang magiging pinuno ng task force habang si National Security Adviser Hermogenes Esperon ang magiging vice chairperson.
18 government officials at 2 private sector representatives ay uupo bilang miyembro ng task force.
Si Jimlani ay nagsilbing director ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) mula Enero 2017.
Kinilala si Jimlani sa pagpapasuko ng ilang Muslim insurgents at dating consultant ni Duterte noong siya pa ay alkalde ng Davao City.