ITINALAGA | BuCor Director Ronald Dela Rosa, itinalaga para pangunahan ang Anti-Crime Council of the Philippines

Manila, Philippines – Itinalaga si Bureau of Corrections (BuCor) Director General Ronald “Bato” Dela Rosa bilang pangulo ng Anti-Crime Council of the Philippines.

Layon ng Anti-Crime Council of the Philippines na labanan ang smuggling, elicit rate, white color crimes gaya ng inside trading at pyramiding, monopolyo, cartel at mapalakas ang criminal justice system sa bansa.

Pagtitiyak ni Dela Rosa, hindi naman makakaapekto ang bago niyang tungkulin sa pagiging hepe niya ng BuCor.


Aniya, isa sa nais niyang gawin ay tokhangin ang mga smuggler.

Gayunman, aminado si Bato na hindi ito magiging madali lalo at malalaking negosyante ang makakasagupa niya.

Facebook Comments