ITINALAGA | Cabinet Sec. Leoncio Evasco Jr., itinalaga bilang ika-4 na miyembro ng komite na makikipag-usap sa religious groups

Manila, Philippines – Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Cabinet Secretary Leoncio Evasco Jr bilang ika-apat na miyembro ng binuo niyang komite na kakausap sa mga religious groups.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, naniniwala siyang malaki ang maitutulong ni Evasco sa pakikipagdiyalogo sa religious group lalo at isa siyang dating pari ng simbahang katolika.

Aniya, hindi maikakaila na kabisado ni Evasco ang prinsipyo ng simbahang Katolika.


Samantala, wala pang kumpimasyon ang Presidential Management Staff o PMS kung makadadalo ang Pangulo sa imbitasyon ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Gabriele Giordano Caccia para sa Pope’s Day Celebration.

Facebook Comments