ITINALAGA | DOJ, nagtalaga ng bagong OIC sa Pasay City Prosecutor’s Office

Manila, Philippines – Itinalaga ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Gueverra si Deputy City Prosecutor Dolores Pulgo-Rillera bilang bagong officer-in-charge sa Pasay City Prosecutor’s Office.

Sa isang pahinang department order na may petsang May 25, 2018, binigyan ng kapangyarihan si Rillera na gampanan ang mandato ng isang city prosecutor at tatanggap din siya ng benepisyo na naaayon para sa nasabing posisyon.

Ang paghirang sa bagong pinuno ng piskalya sa Pasay City ay kasunod ng ipinataw na 60 araw preventive suspension kay Lanao del Norte Provincial Prosecutor Benjamin Lanto na dating OIC ng Pasay City Prosecutor’s Office.


Facebook Comments