Manila, Philippines – Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Assistant Secretary Jesus Fajardo bilang bagong Deputy Commissioner ng Bureau of Customs (BOC).
Base sa appointment paper ni Fajardo mula sa Malacañang na may petsang May 21, 2018, papalitan niya si Deputy Commissioner Natalio Ecarma III.
Nauna nang napasama sa listahan si Ecarma sa mga opisyal ng BOC na tumatanggap ng regular na “tara” o lagay mula sa mga smugglers.
Kasama rin sa listahan si dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon.
Samantala, sinabi naman ni Fajardo na masaya siyang tinanggap ang bagong tungkulin dahil makakasama niya ang kanyang dating boss sa PDEA na si Customs Commissioner Isidro Lapeña.
Facebook Comments