Manila, Philippines – Nagtalaga na si Pangulong Rodrigo Duterte ng mga miyembro ng binuo niyang Consultative Committee na siyang magre-review sa 1987 Constitution.
Batay sa Executive Order number 10 na nilagdaan ng Pangulo noong December 2016 ay binubuo ang Consultative Committee na mayroong 25 miyembro na magmumula sa ibat-ibang sector ng lipunan.
19 ang itinalaga ni Pangulong Duterte bilang miyembro ng nasabing komite na magaaral sa saligang batas.
Kabilang sa mga itinalaga ng Pangulo ay si dating Supreme Court Chief Justice Reynato Puno na tatayong Chairman ng komite, itinalaga din ng Pangulo sina, dating Senate President Aquilino “Nene” Pimentel Jr., dating Supreme Court Associate Justice Bienvenido Reyes, dating Supreme Court Associate Justice Antonio Nachura, Voctor Dela Serna, Rodolfo Robles, Virgilio Bautista, Ranhilio Aquino, Julio Teehankee, Eddie Alih, Edmund Tayao, Ali Pangalian Balindong, Laurence Wacnang, Roan Libarios, Reuben Canoy, Arthur Aguilar, Susan Ubalde-Ordinario, Antonio Arellano, at Randolph Parcasio.
Mandato ng nasabing komite ay pag-aralan ang Powers of the Government, Local Governance, at Economic Policies at iba pa na nakapaloob sa saligang batas pati na ang pagsasagawa ng konsultasyon sa mamamayan.
Magsusumite ang mga ito ng rekomendayon kay Pangulong Duterte sa loob ng 6 na buwan simula ng kanilang unang magiging pagpupulong bilang isang buong komite.
Sa ngayon ay inaabangan pa ang ilan pa sa mga pangalan na itatalaga ni Pangulong Duterte sa Consultative Committee.