Manila, Philippines – Nagtalaga ang Philippine National Police (PNP) ng bagong director sa Eastern Police District (EPD).
Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Guillermo Eleazar, ni-relieve sa pwesto si Chief Superintendent Alfred Corpus at ni-reassign sa Office of the Chief PNP.
Papalitan si Corpus ni Senior Superintendent Bernabe Alba na nagsilbing EPD Deputy District Director for Administration (DDDA).
Hindi na ibinigay ni Eleazar ang dahilan kung bakit inilipat si Corpuz na nagserbisyo bilang EPD director sa loob lamang ng halos dalawang linggo.
Facebook Comments