ITINALAGA | Prospero De Vera III, pormal nang itinalaga bilang CHED Chairperson

Manila, Philippines – Pormal nang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Commissioner Prospero De Vera III bilang chairman ng Commission in Higher Education (CHED).

Magsisilbi bilang pinuno ng ahensya si De Vera hanggang Hulyo 21, 2022.

Ayon kay De Vera, ikinalulugod niya ang tiwalang ibinigay sa kanya ng Pangulo at titiyakin niyang maipapatupad ang mga reporma sa edukasyon na isinusulong ng administrasyon.


Noong 2016 nang maitalaga bilang CHED Commissioner si De Vera at umupo bilang officer-in-charge noong Enero matapos magbitiw si dating Chairperson Patricia Licuanan.

Facebook Comments