ITINALAGA | Ronald Cardema, itinalaga bilang bagong chairperson ng NYC

Manila, Philippines – Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong chairman ng National Youth Commission (NYC) si Ronald Gian Cardema, kilalang lider ng Duterte Youth Movement.

Bago maging chairman nagging officer-in-charge si Cardema ng ahensiya matapos magbitiw si NYC Chairperson Ice Seguerra noong Marso.

Kasabay nito itinalaga namang commissioner ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang abugado mula Davao na si Alexis Lumbatan.


Pinalitan niya si Gloria Victoria Taruc na nagtapos sa serbisyo noong Hulyo 10 matapos makumpleto ang kaniyang pitong taong termino.

Magiging ERC Commissioner si Lumbatan hanggang Hulyo 2025.

Hindi pa naman pinapangalanan ng Pangulo ang magiging kapalit ng nagretirong si ERC Commissioner na si Alfredo Non.

Iniluklok rin ng Malacañang si Antonio Kho Jr. bilang commissioner ng Commission on Elections (COMELEC).

Facebook Comments