Manila, Philippines – Nagtalaga ng bagong senate secretary si Senate President Tito Sotto.
Ito ay ang kaniyang dating chief of staff na si Myra Villarica na papalit kay resigned Secretary Lutgardo Barbo.
Sa kanyang irrevocable resignation na isinumite kay Sotto, idinahilan ni Barbo na ang kaniyang pagbibitiw ay para bigyan ng kalayaan ang bagong pinuno ng kapulungan na magtalaga ng tauhan na angkop para sa naturang trabaho.
Nagpasalamat naman si Barbo sa pribilehiyo na ibinigay sa kanya nina dating Senate President Nene Pimentel noong 2000 at sa panahon ni dating Senate President Koko Pimentel noong 2016 hanggang ngayong 2018.
Wala namang naging pagtutol ang ibang mga senador sa pagkakatalaga kay Villarica.
Facebook Comments