Manila, Philippines – Itinalaga ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat si Undersecretary for Tourism Development Benito Bengzon Jr. bilang bagong tagapagsalita ng DOT.
Ayon kay Puyat, napili niya si Bengzon dahil sa tagal nito sa serbisyo na 30 taon.
Hindi na bago kay Bengzon ang pagiging tagapagsalita dahil nagampanan na niya ito sa ilalim ng pamumuno ni dating DOT Secretary Ramon Jimenez Jr.
Papalitan ni Bengzon si dating DOT Assistant Secretary Frederick Alegre.
Facebook Comments