ITINAMA | Pleadings ng kampo ni dating Senador Bongbong Marcos na ihahain sa PET, mali – Robredo Camp

Manila, Philippines – Itinuwid ng kampo ni Vice President Leni Robredo ang maling pleadings na binalangkas ng kampo ni Dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. patungkol sa mga nakabimbing kahilingan sa Korte Suprema, tumatayong Presidential Electoral Tribunal na dumidinig sa Election Protest ng dating Senador.

Ayon kay Atty. Romulo Macalintal, kung nais ng kampo ng dating Senador na iatras ang lahat ng kahilingan sa PET, hindi dapat Joint Manifestation ang dapat na ihain sa PET kundi Joint Motion.

Paliwanag ni Macalintal, ang manifestation ay pinaaalam lang sa tribunal ang pagnanais na maatras ang mga nakabimbing motion samantalang kung Joint Motion, may apela ito na aksyunan o tumugon ang korte sa kahilingan.


Ipinadala na rin ng kampo ni Macalintal sa Legal Counsel ni Marcos na si Atty. George Erwin Garcia ang Joint Motion na layong matuldukan ang mga delaying tactics na nagpapabagal sa pagsulong recount sa kinukuwestiyong halalan.

Nabatid sa kampo ni Macalintal na sa Marso 19, 2018 itinakda nang PET ang pagsisimula ng recount sa mga kinukuwestiyong balota noong May 2016 Vice Presidential Election.

Facebook Comments