ITINANGGI | AJ Carpio, Marvic Leonen, itinangging kasama sila sa ‘oust Duterte mov’t’

Manila, Philippines – Itinanggi ng dalawang mahistrado ng Korte Suprema na bahagi nila sa umano ay destabilization plot laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Tinawanan lang nina Senior Associate Justice Antonio Carpio at Associate Justice Marvic Leonen ang pagkakasama ng kanilang pangalan sa listahang isiniwalat ni Presidential son at dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte.

Ayon kay Carpio – nakakatawa dahil ito ay isang joke lamang.


Hindi na aniya siya nasupresa rito.

Pabirong tugon naman ni Leonen sa isyu – isa siyang vegan at hindi siya nakikipagsabwatan sa isang fastfood chain.

Binanggit sa ‘oust Duterte movement’ ang pangalan ng ilang pulitiko, obispo, dating cabinet members, mamamahayag, civil society leaders at ilang kumpanya.

Bukod kina Leonen at Carpio, kasama rin sa listahan sina Vice President Leni Robredo, dating Vice President Jejomar Binay, dating Chief Justice Hilario Davide, Senadora Leila De Lima, Senadora Risa Hontiveros, dating Cabinet members na sina Dinky Soliman, Florencio Abad, Paquito Ochoa, Cesar Purisima at dating Police Chief Alan Purisima.

Kabilang din sa listahan sina Catholic Bishops Broderick Pabillo, Leo Drona, Antonio Tobias, Deogracias Iñiguezm Pablo David at journalist Maria Ressa, Ellen Tordesillas at Ed Lingao.

Ang Jollibee Foods Corporation ay kasama rin sa ouster plot.

Nilinaw naman ni Pulong Duterte na ang inilabas niyang listahan ay pawang katuwaan lamang.

Facebook Comments