ITINANGGI | Akusasyon ni Congressman Andaya, pinabulaanan ng Malacañang

Manila, Philippines – Mariing itinanggi ng Palasyo ng MalacaƱang na lumapit ang ilang miyembro ng Economic Team ni Pangulong Rodrigo Duterte kay House Speaker Gloria Macapagal Arroyo at nag demand na huwag tapyasan ang 2019 proposed National Budget.

Sinabi kasi ni House Majority Leader Congressman Rolando Andaya na lumapit sina Finance Secretary Sonny Dominguez at Budget Secretary Benjamin Diokno kay Speaker Arroyo at nagdemand na huwag bawasan ang budget para sa susunod na taon.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, kahit kalian ay hindi magagawa ng dalawang kalihim ang inaakusa sa kanila.


Paliwanag ni Panelo, wala sa karakter ng dalawa ang inaakusa sa mga ito dahil suplado at mga matutuwid ang mga ito.

Pero sinabi ni Panelo na posibleng totoo nga na nagkaroon ng pulong sa pagitan ng ilang economic managers at mga mambabatas pero possible ding na misunderstood lang ni Andaya ang usapan kaya nagkaroon ng ganitong klaseng usapusapan.

Facebook Comments