Manila, Philippines – Itinanggi ng singer na si Angeline Quinto ang mga pambabash sa kaniya sa social media na di umano ay threatened ito sa paglipat ni Asia’s Songbird Regine Velasquez sa Kapamilya network.
Isang netizen kasi ang nagpost sa Instagram account ng singer at sinabing lalo daw magtutunog ‘pirated’ si Angeline dahil lilipat na sa dos si Regine.
Say naman ni Angeline, mas masarap sa pakiramdam na makitang nasa harapan mo na lahat ng pinangarap mo sa halip na gawan ng masama ang iyong kapwa.
Paglilinaw ni Angge, masaya siyang makasama at makatrabaho ang kanyang idolo.
Facebook Comments