ITINANGGI | Ben Tulfo, iginiit na hindi totoo ang pahayag ni Atty. Ferdinand Topacio

Manila, Philippines – Itinanggi ng T.V. at radio personality na si Ben Tulfo ang pahayag ni Atty. Ferdinand Topacio, Legal Counsel ng kanyang kapatid na si dating Tourism Sec. Wanda Teo na pumayag itong isauli ang ₱60 million advertisement placement.

Giit ni Tulfo – hindi niya kilala si Topacio at hindi pa niya ito nakikita ng personal.

Ani Ben, ang kanyang media outfit na Bitag Media Unlimited Incorporated (BMUI) ay mayroong sariling abogado.

Pero nakausap na ni Tulfo si Topacio sa telepono sa kasagsagan ng isyu dahil hiling ng kanyang ate Wanda.

Sinabihan din ni Tulfo si Topacio na kung mayroon itong ihahayag ay dapat diretso, walang paliguy-ligoy at huwag baluktutin.

Facebook Comments