ITINANGGI | Carmina Villaroel, todo deny sa balitang magku-quit na siya sa showbiz

142

Manila, Philippines – Todo deny ang TV host / actress na si Carmina Villaroel sa kumakalat na chika na magku-quit na daw ito sa showbiz para umpisahan na ang sariling negosyong may kinalaman sa skin care.

Say ni Carmina, fake news ang lumalabas na balita lalo na at wala daw siyang sariling skin care line o iniendorsong produkto.

Hindi rin daw niya alam kung sino at ano ang dahilan ng pagpapakalat ng nasabing balita gayung happy and contented siya sa kaniyang trabaho.

Kasabay nito, nanawagan si Carmina sa kanyang mga fans at ilang netizens na huwag agad-agad maniwala sa mga balitang lumalabas lamang sa social media nang walang basehan.

Alamin din daw kung ano ang puno’t-dulo nito upang hindi matulad sa iba na basta-basta na lamang nagpo-post ng mga fake news para lamang mapansin ng iba.

Facebook Comments