Manila, Philippines – Itinanggi ni dating SSS Commissioner Jose Gabriel La Viña ang paghingi ng milyu-milyong pisong pondo para sa ilang proyekto.
Ayon kay La Viña, black propaganda lamang ito laban sa kanya.
Katwiran ni La Viña – isinusulong niya ang epektibong social media strategy para sa SSS pero walang kongkretong panukala ang pamunuan ng ahensya kaya walang inaprubahan.
Wala rin aniyang katotohanan ang pagsulong niya ng accreditation sa pitong brokers.
Naniniwala ang dating opisyal na posibleng ikinalat ang mga alegasyong ito ng investment officers at mga personalidad na kanyang kinasuhan.
Facebook Comments