Manila, Philippines – Kapwa itinanggi nina dating Health Secretary Janette Garin at dating PhilHealth President Alex Padilla ang may diversion sa P10.6-billion funds na gagamitin dapat sa premium insurance ng senior citizens.
Ito ay matapos kwestyunin ni Senator JV Ejercito, chairman ng joint congressional oversight panel ang timing sa pag-release ng pondo noong 2016.
Sa isang pahayag, sinabi ni Garin na naghahanap lamang ang PhilHealth nang masisisi sa kanilang palpak na pagpapatakbo sa pera.
Aniya, hindi naman na-release ang pondo dahil lalabas ito bilang disbursement allocation program na idineklara ng unconstitutional ng korte.
Iginiit naman ni Padilla, na walang korapsyon sa pondo at wala silang inagrabyadong senior citizens.
Aniya, hindi siya binigyan ng pagkakataon ni Ejercito na magpaliwanag kaya at hihintayin na lang niyang ang kaniyang tiyansa na sagutin ang mga alegasyon sa Ombudsman.