ITINANGGI | Dating Health Sec. Janette Garin, itinangging miyembro siya ng ‘Mafia’

122

Manila, Philippines – Mariing pinabulaanan ni dating Dept. of Health (DOH) Sec. Janette Garin ang alegasyon ng dating consultant ng ahensya na si Dr. Francis Cruz na miyembro siya ng ‘Mafia’.

Nabatid na idinadawit si Garin ni Cruz sa mga nakikinabang hanggang sa kasalukuyan sa ilang mga ghost projects sa loob ng DOH.

Tanong ni Garin, bakit hindi siya kinasuhan ni Cruz sa korte o sa Ombudsman kung totoo ang mga alegasyon nito.

Nagbanta rin ang dating opisyal na hindi siya papayag na sirain ni Cruz ang kanyang pangalan at nakahanda siyang magsampa ng kaso.

Facebook Comments